122
handcuffed2
By

Chairman sa Pasay, kinasuhan ng murder sa cop slay case

Inaresto ang isang barangay chairman sa Pasay City matapos ituro ng nahuling hired killer na siyang nagpapatay sa isang pulis noong gabi ng Biyernes.

Unang naaresto ang 19-anyos na si Norman Yrad at itinuro naman nito ang kanyang kasabwat na si Anthony Jay Monsalve, 33, at sinabing sila ang bumaril kay PO2 Rafael Sibunga, nakatalaga sa PRO-ARMM.

Sa pag-amin ni Yrad, inginuso naman niya si Nestor Advincula, chairman ng Barangay 46 sa lungsod at aniya pinangakuan sila nito ng P20,000 para patayin si Sibunga.

Naaresto na sina Monsalve at Advincula at sinampahan na silang tatlo ng kasong murder sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Nabatid na ang biktima ay dating nakatalaga sa Southern Police District ngunit inilipat sa Mindanao dahil sa kasong grave misconduct.

Bukod dito, kinalaban ng kanyang anak si Advincula noong nakaraang barangay elections ngunit natalo ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?