32

By

Chairman Angara hindi nakonsulta ng SBP sa pag-atras sa 2018 Asiad

Kung ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) chairman na si Senador Juan Edgardo ‘Sonny’ Angara ang tatanungin, mas pabor siya na magpadala ng kinatawan ang Pilipinas sa paparating na 2018 Asian Games sa Jakarta at Palembang Indonesia sa Agosto 18 hanggang Setyembre 2.

“I think in an ideal world mas maganda na mayroon tayong kinatawan especially basketball, it’s one of our strengths hindi ba? It would really be nice if we have a team,” ayon kay Angara, isang basketball enthusiast at player para sa Senate Sentinels sa UNTV Cup 2018.

Ayon sa mambabatas, hindi siya nakonsulta ng SBP sa naging desisyon ng mga ito na huwag nang magpadala ng Philippine basketball team sa Asiad at mas nanaiisin na lang munang umapela sa desisyon ng FIBA kaugnay sa pagsususpinde at pagpapataw ng multa sa SBP, 10 Gilas players, kay assistant coach Jong Uichico at head coach Chot Reyes.

Sa kabila nito, inirerespeto niya ang desisyon ng SBP.

Bago mag-alas-11 Huwebes ng gabi nilabas ng SBP ang official statement, halos anim na oras pagkatapos ng press conference sa PBA office sa Libis para ihayag na aprubado na ng Board na core ng Rain or Shine ang magdadala sa bandera ng Pilipinas.

Sa opisyal na pahayag ng SBP, sinabi nitong “The SBP remains committed to the continuous development of Philippine basketball, and to attaining the best possible results for our teams in the global stage.

We thank Rain or Shine, especially its owners Terry Que and Raymond Yu, as well as NLEX Coach Yeng Guiao and Rain or Shine Coach Caloy Garcia, for expressing their willingness to represent our nation in the upcoming Asian Games.

However, to allow our National Team and our organization to regroup, prepare for the process of appealing the FIBA Disciplinary Panel’s recent Decision, and aim for sustainable success in future tournaments—including the upcoming FIBA World Cup Qualifiers and the 2023 FIBA Basketball World Cup—we have reached the conclusion that, with the forgoing considered and after consulting with the basketball community, the time and chance to participate in the 2018 Asian Games would not be optimal.” ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?