38

By

Chacha proposal ni Sotto, tablado sa oposisyon sa Kamara

Sharing is caring!

Wala umanong basehan sa konstitusyon ang mungkahing “hybrid” constitutional body ni Senate President Tito Sotto na paraan nang pag-amyenda sa Saligang Batas.

Ayon kay Caloocan Rep. Edgar Erice, hindi niya malaman kung saan nakuha ni Sotto ang naturang ideya na hindi naman daw itinuro kahit sa “wambol university.”

“This proposal has no constitutional basis, I dont know where he’s getting this idea of changing the charter through a mode that is alien even to “wambol university,” ani Erice.

Sinabi naman ni Magdalo partylist Rep. Gary Alejano na ang proposal ni Sotto ay lalabag sa probisyon ng 1987 Constitution kung saan nakasaad na ang anumang pagbabago sa Konstitusyon ay dapat idaan lang sa pamamagitan ng Constituent Assembly (ConAss) o Constitutional Convention (ConCon).

Para naman kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat, ang panukala ni Sotto ang pinaka-elitistang Charter Change bodies dahil malilimitahan ang talakayan sa piling iilan.

Sigurado rin anyang ang isusulong lamang ng mga ito ay mga probisyong mapapakinabangan ng ruling coalition.

“Granting that there is really a need to change the constitution, I believe that a constitutional convention with delegates voted directly by the people is the best option,” sabi ni Baguilat.

“It will be the least vulnerable to political self interests and more representative of the voice of the people,” dagdag ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?