By

Chacha mahihirapang umarangkada – Lacson

Sharing is caring!

Malabo umanong mapaamiyendahan ang Konstitusyon ngayong taon kahit ipamadali ni Pangulong Duterte sa dalawang Kapulungan ng Kongreso.

Sinabi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson matagal mag-amiyenda ng Konstitusyon at malaking debate pa bago ito maumpisahan.

Tugon ito ng senador sa pahayag ng pangulo na puwede siyang magbitiw hanggang sa katapusan ng taon kung maamiyendahan at maiaayon sa pangangailangan ng taumbayan ang Konstitusyon.

Idiniin ni Lacson na wala naman ngayong pagkilos para amiyendahan ang Konstitusyon.

“Longshot ang amendment ng Charter. Pero wala naman talagang move to amend the charter,” diin ng senador.

Bukod dito, sinabi ni Lacson na mahihirapan itong umarangkada dahil lagi nang kontra at duda rito ang mga Pilipino gaya ng nakita sa mga nagdaang administrasyon.

Mahabang pagtatalo rin umano kung dadaanin ito sa constituent assembly kung saan silang mga mambabatas ang aamyenda sa Konstitusyon o kung ipagagawa ito sa constitutional convention kung saan ihahalal naman ng taumbayan ang mga mag-aamiyenda sa Saligang Batas.

“Yung modes hindi ganoon kasimple. Dadaan pa yan either sa con-ass (constituent assembly) o con-con (constitutional convention).

“Marami, mahaba ang debate, it will take 1.5 or even 2 years,” sabi ni Lacson. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?