23

By

Chabi Yo, UST handa nang sagpangin ang UP

Recharged at handa nang sumabak si season MVP Soulemane Chabi Yo para sa University of Sto. Tomas (UST) Growling Tigers pagharap nila sa University of the Philippines (UP) Fighting Maroons sa stepladder semis ng 82nd UAAP men’s basketball tournament sa Smart Arenata Coliseum alas-4 Linggo ng hapon.

Pamumunuan ni Chabi Yo ang opensiba ng España-based dribblers kasunod ng impresibong pakita sa bakbakan nila kontra Far Eastern University 9FEU) Tamaraws sa unang stepladder semis kung saan tumapos ito ng double-double 25 puntos at 11 rebounds.

Makakatuwang ni Chabi Yo si Brent Paraiso na pumukol ng 5-of-9 shooting sa three point area tungo sa 18 markers, habang malaking ambag rin ang ginawa ni versatile guard Renzo Subido na may 14 points at 5 dimes.

“We’re going to take it one game at a time. Talagang isa lang ‘yan. Hindi mo dapat iisipin ‘yung pangalawa, hindi mo dapat iisipin ‘yung susunod, kung ano nasa harapan mo ‘yun ‘yung dapat isipin mo,” pahayag ni UST head coach Aldin Ayo.

“Right now, we don’t have any idea kung ano gagawin namin sa UP. But after this, after our dinner, were going to start on preparing for UP,” dagdag pa niya.

Aasahan din ni Ayo para makahirit ng rubbermatch kontra may twice-to-beat advantage na UP si rookie Rhenz Abando.

Tiyak namang makakaharap nila ang matinding laban mula kina last season MVP Bright Akhuetie at Kobe Paras ng Fighting Maroons

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?