68

Sep 27, 2019 @ 22:42
By

Chabi Yo, Concepcion susugod para sa UST

Kakapit muli ang University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers kina Soulemane Chabi Yo at Sherwin Concepcion pagsagupa kontra De La Salle University (DLSU) Green Archers sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament Sabado sa SM Mall of Asia Arena.

Galing sa panalo ang Growling Tigers (4-2) matapos umeskapo kontra FEU Tamaraws nitong Setyembre 22 sa iskor na 82-74.

Namuno sa opensa ng Espana-based squad si Chabi Yo na nagtala ng 21 points, 15 rebounds at isang assist katuwang si Concepcion na nagpaulan ng apat na sunod na three point shots para sa kanyang 12-point performance.

“I always tell the players, right now hawak pa natin ang manibela. Ayaw nating mangyari come second round, nagdadasal tayo sana matalo ‘yung team na ito, tapos sana manalo itong team na ito, we don’t want that to happen. We want to be in control,” sabi ni UST coach Aldin Ayo.

Samantala, kinapos ang Green Archers (2-4) sa huli nitong laban noong Miyerkoles kontra UP Fighting Maroons, 71-72.

Bitin ang 16 points, apat na assists at dalawang rebounds ni Andrei Caracut, pati ang 16 points, dalawang assists at isang rebound ni Aljun Melecio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?