217

Jul 25, 2019 @ 15:14
By

Cha Eun Woo bibisita sa PH para sa unang fan meeting

Sa kauna-unahang pagkakataon, darating sa bansa ang Korean actor at singer na si Cha Eun Woo para sa kanyang “Cha Eun-Woo 1st Fan Meeting Tour”.

Gaganapin ito sa October 26 sa New Frontier Theater.

Nagsimula si Cha Eun Woo bilang miyembro ng K-Pop group na Astro.

Taong 2018, napasama siya sa cast ng romantic comedy series na “Gangnam Beauty”, na ipapalabas sa ABS-CBN sa August 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?