71

By

Cha-cha survey, sampal kay Duterte – Tinio

Sharing is caring!

Inirekomenda ng mga militanteng kongresista na itigil at kalimutan na ng administrasyon ang anumang tangkang baguhin ang porma ng gobyerno tungo sa federal system.

Para kay ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, ang resulta ng Pulse Asia survey na nagpapakitang 64 percent ng mga Filipino ang hindi pabor sa Charter change, at 66 percent ang tutol sa federalism, ay sampal kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Tumataginting na sampal sa mukha ni Pangulong Duterte ito na sa kabila ng so-called popularity niya, nire-reject ng taumbayan ‘yung sinasabing number one na platform ng kanyang presidency, ang shift to federalism at Charter change,” diin ni Tinio.

Sinabi naman ni Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao na dapat magsilbing “wake up call” ang survey para iatras na ang anumang hakbang ng Kongreso para itulak ang Cha-cha at federalism.

“This is a wake-up call for those in the leadership to withdraw any efforts, any attempts, whatever mode especially through a Constituent assembly, mas ito ‘yung pinaka-mabaho na sa tingin namin hindi katanggap-tanggap sa mamamayang Filipino,” ani Casilao.

Sinegundahan ito ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlo Isagani Zarate na nagsabing dapat pakinggan ng administrasyon ang boses ng taumbayan.

“It would be well for the Duterte administration and its allies to listen to the sentiments of our people and drop this anti-people Cha-cha project,” sabi ni Zarate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?