45

Jan 18, 2018 @ 22:46
By

Cha-Cha summit iminungkahi ni Zubiri sa liderato ng Senado, Kamara

Hinikayat ni Senador Juan Miguel Zubiri ang liderato ng Senado at Kamara na magpulong na bago pa umunit ang bangayan ng dalawang kapulungan ukol sa panukalang Charter change (Cha-Cha).

Sabi ni Zubiri, kailangan magharap sa isang legislative summit at sa isang “neutral territory” sina Senate President Koko Pimentel III, House Speaker Pantaleon Alvarez, Senate majority leader Tito Sotto, House majority leader Rodolfo Farinas, Senate minority leader Franklin Drilon at House minority leader Danilo Suarez.

Ang mga nabanggit umano ang kailangang mag-usap ukol sa “ground rules” sakaling magkahiwalay na magpasya ang Senado at Kamara na sila ang magsagawa ng Cha-cha bilang constituent assembly (Con-ass).

“I think a summit is necessary so we could smoothen out the rough edges of these discussions and we will come up with the rules and guidelines. For example pwede i-discuss voting separately, kung papayag ang House wala nang problema uusad na ang Charter change,” sabi ni Zubiri.

Kailangan na aniya ng masinsinang pag-uusap ng mga lider ng dalawang kapulungan.

“They should have an honest-to-goodness dialogue on how we can move forward on amendments to the Constitution,” ayon kay Zubiri.

“Sa tingin ko kailangan nating magkaisa kasi grabe na yung banatan sa pagitan ng colleagues sa Senate at sa House,” dagdag ng senador.

Sa ngayon, nasa deadlock ang dalawang kapulungan dahil sa pagpupumilit ng Kamara sa joint voting o sa pagsasanib ng 23 senador sa may 290 konggresista kapag nagdaos sila ng joint session at nagbotohan para sa Cha-cha.

Dahil dito, sinabi ni Drilon na “good as dead” ang Cha-cha. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?