43

By

Cha-cha resolution ng Kamara, pinalagan ng ilang kongresista

Sharing is caring!

Binanatan ng mga kongresistang taga-oposisyon ang draft federal Constitution ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at ilang kongresista na ngayon ay tinatalakay na sa plenaryo ng Kamara.

Ayon kay Akbayan partylist Rep. Tom Villarin, ‘devious’ o nakapanlilinlang ang Resolution of Both Houses No. 15 dahil ikino-convert nito ang Kamara bilang Constituent assembly nang walang kaalam-alam ang publiko.

Hindi rin anya katanggap-tanggap ang transitory provision on succession ng draft federal Constitution na nag-iitsapwera sa bise presidente sakaling mamatay o bumaba sa puwesto ang Pangulo dahil sa resignation o incapacity.

Sabi ni Villarin, lumalabas na maaasahang kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte si GMA dahil binibigyang daan sa termino nito sa Kamara ang mga kaduda-dudang pagbabago sa Saligang Batas gaya ng pagtatanggal sa term limit at pagbabawal sa political dynasty.

Para naman kay Bayan Muna partylist Rep. Carlos Isagani Zarate, desperado ang administrasyon na buhayin ang naghihingalong Charter change.

Duda si Zarate sa timing nang paghahain sa resolusyon noong Setyembre at pagpasa nito sa committee level noong nakaraang linggo habang abala ang buong kapulungan sa budget deliberation.

Nagbabala ang kongresista na mapanganib ang Chacha na isinusulong ngayon sa Kamara dahil kapag napagtibay ito bago ang 2019 elections ay hindi matutuloy ang halalan at mauurong ito sa 2022.

“Worse, this Cha-cha also lifts the term limits for congressmen and senators. So GMA in effect can still run for Congress; this is designed, thus, for her and many others to remain in power ad infinitum. Just like before, we must do everything to derail this by pulling the plug now,” diin ni Zarate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?