3

By

Cha-cha ipipilit ng Palasyo

Sharing is caring!

May tatlong taon pa sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte para isulong ang Charter change na magiging daan para sa adhikain nitong mabago ang sistema ng gobyerno sa federalismo.

Tugon ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa mga senador na nagsabing walang pag-asang makalusot sa senado ang Cha-cha.

Ayon kay Panelo mahaba pa ang termino ng Pangulo at kung hindi makalusot ngayong Disyembre ang Cha-cha ay mayroon pa namang susunod na session ng Kongreso.

“Well, kung walang pag-asa ngayong Disyembre ay mayroon pa namang susunod na session. So may pag-asa pa rin. Confident ang Palasyo dahil mahaba pa naman ang term ng Presidente,” ani Panelo.

Nauna rito inihayag ng mga senador na wala ng pag-asang makalusot ang Cha-cha sa Senado pati na sa 17th Congress dahil marami sa mga mambabatas ang tutol na mabago ang Konstitusyon.

Pero sinabi ni Panelo na hindi titigil si Pangulong Duterte na isulong ang Cha-cha dahil sa paniwalang ito ang lulutas sa matagal ng problema sa Mindanao kapag nagkaroon ng federal form of government.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?