23

By

Cha-cha ipapasa ng Kamara – Benitez

Sharing is caring!

Buhay na buhay umano ang Charter change at sa katunayan ay pagtitibayin ng Kamara ang federal Constitution ngayong 17th Congress.

Ayon kay Negros Occidental Rep. Albee Benitez, ito ay bilang pagtalima ng Mababang Kapulungan sa agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi ni Benitez, ipapasa nila ang federal Constitution para maiakyat ito sa Senado.

Kinumpirma rin ng kongresista na trabahong Constituent Assembly (Con-Ass) na ang ginagawa ngayon ng Kamara para sa Cha-cha.

Paliwanag niya, hindi naman sinasabi sa Konstitusyon na kailangang mag-convene nang sabay ang dalawang kapulungan para mag-Con Ass.

Ginagawa lamang aniya nila ang kanilang trabaho at bahala na ang Senado kung anong gagawin nito kapag nai-akyat na doon ang panukalang Cha-cha.

“It is very much alive. It is ongoing and the Lower House intends to pass this measure in this Congress so that it can be transmitted to the Senate,” ani Benitez.

“As far as we are concerned, we are fulfilling the campaign promise (of Duterte) of changing the form of government to a federal form and the House is very much supportive of this call,” dagdag ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?