rodrigo-duterte
By

Cha-cha, hindi na dapat ipilit ni Duterte – opposition solons

Sharing is caring!

Hindi umano kumbinsido ang mga Filipino na makatutulong ang isinusulong na pagbabago ng Saligang Batas para maresolba ang mga problema ng Pilipinas.

Ito ang paniniwala ng ilang kongresistang taga-oposisyon kasunod ng resulta ng Pulse Asia survey na nagpapakitang 64 percent ng mga Filipino ang hindi pabor na amyendahan ang Konstitusyon.

Sa nasabing survey, lumabas din na 66 porsiyento ang hindi sang-ayon na palitan ang sistema ng gobyerno tungo sa federal form.

Ayon kay Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin, malinaw sa resulta ng survey na ayaw ng nakararaming Filipino na magpalit ng Saligang Batas at hindi sila sang-ayon sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang federalism lamang ang susi para maiahon ang bansa.

“The growing opposition of two third of Filipinos against Charter change is solid proof that Filipinos reject President Duterte’s narrative that federalism is the cure-all formula for our country’s ills. Only 23% support a shift, probably most of them his core supporters lured by their fake news and ‘change-scamming’ schemes,” sabi ni Villarin.

“It’s high time that President Duterte focus on governing rather than trifling with our Constitution and rule of law,” dagdag ng kongresista.

Para naman kay Caloocan City Rep. Edgar Erice, maaaring walang tiwala ang mga tao sa mga nagsusulong ng Charter change dahil sa mga pansariling interes.

“The ulterior motive of those pushing for it is quite obvious to the people. The term extension, no election scenario and the fact that a new Constitution may give in to allow China to directly exploit our natural resources in the WPS (West Philippine Sea) are issues that would raise eyebrows,” ani Erice.

Bagama’t naniniwala ang kongresista na may ilang mga probisyon sa Saligang Batas na kailangang ayusin partikular ang anti-political dynasty at multi-party system, dapat aniyang idaan ang amyenda sa Constitutional Convention (Con-Con).

“A Con-Con is the only viable venue where we can come up with a well-studied Constitution,” ayon kay Erice.

Sa panig ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano, duda aniya ang publiko sa tunay na intensyon ng proponents ng Cha-cha, bukod pa sa kulang ang kanilang nalalaman tungkol dito.

“I believe that people have doubts on the real intention of the proponents in amending the Constitution. This is compounded by the lack of education on the contents of the proposed federal constitution. The proponents do not even have a common draft to start with. Dinadaan pa sa pananakot para suportahan ang pagpalit ng Konstitusyon,” pahayag ni Alejano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?