88

By

Cha-cha hindi mapabibilis ng draft federal constitution – Lacson

Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na mahabang debate pa ang pagdadaanan ng panukalang pag-amyenda sa Konstitusyon para sa federalism na isinusulong ng Duterte administration.

Ito ay kahit may balangkas na ng federal constitution ang Consultative Committee na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Lacson, ang draft federal constitution ay magsisilbi lang na gabay ng Senado at Kamara kung isusulong ang pag-amyenda sa Saligang Batas.

Idiniin na ang dalawang kapulungan pa rin ang magdedesisyon kung aamyendahan o hindi ang Konstitusyon at kung paano ito gagawin.

Tiyak umanong pagtatalunan pa kung aamyendahan ang Konstitusyon sa pamamagitan ng Constituent Assembly (Con-Ass) o Constitutional Convention (Con-Con).

Kung Con-Ass, sinabi ni Lacson na kailangan pang maging malinaw na hiwalay na magbobotohan ang Senado at Kamara.

Kapag napili ang Con-Con, mag-eeleksyon pa ng mga delegado sa constitutional commission na aamyenda sa Konstitusyon.

“Dahil dito, malabo umano ang gusto ng Consultative Committee na magpatawag na sa kalagitnaan ng 2019 ng plebesito para sa bagong Konstitusyon.

“Mahabang salaysayin pa ang Cha-cha because it’s just a proposal coming from a consultative council created by the President,” ayon kay Lacson. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?