9
ABANTE train rep ariel casilao
By

Cha-cha, dapat ibasura – Casilao

Sharing is caring!

Hinikayat ni Anakpawis partylist Rep. Ariel Casilao ang publiko na tutulan ang balak ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang 2019 midterm elections.

Naniniwala si Casilao na ginagamit lamang ng mga ito ang Charter change (Cha-cha) para palawigin ang termino ng mga nakaupong opisyal.

Nakahanda aniya ang mga kakampi ni Duterte na isantabi ang demokratikong karapatan ng mga tao para sa pansariling interes.

“The proposal of House Speaker Pantaleon Alvarez to postpone the midterm election next year, justifying it as the most ‘practical thing to do’ to facilitate their planned shift to federalism, revealed the true self-serving character of the Duterte allies’ push for Charter change,” ayon kay Casilao.

Nagbabala rin ang kongresista na ang Cha-cha ay magbibigay-daan sa diktadurya ni Duterte.

Paliwanag nito, kontrolado ng Pangulo ang super majority sa Kamara habang malakas din ang kanyang impluwensiya sa Senado.

At dahil napatalsik na aniya ang dating Chief Justice sa pamamagitan ng quo warranto na pakana rin ng Palasyo, ang tanging hadlang na lamang sa hangarin ni Duterte ay ang Konstitusyon kaya ito na ang target ngayon ng administrasyon.

“The people should reject any attempt of the Duterte government to change our Constitution to tailor fit a Duterte agenda to amass further power,” diin ni Casilao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?