By

Cha-cha, BBL prayoridad sa pagbabalik ng sesyon ng Senado

Sharing is caring!

Kasado na ang mga panukalang batas na isasaprayoridad ng Senado na magbabalik na sa regular na sesyon sa Lunes matapos ang higit isang buwang holiday break.

Ayon sa tanggapan ni Senate President Koko Pimentel, nangunguna sa mga prayoridad ang panukalang pag-amiyenda sa Konstitusyon para sa inaadikang federalism.

Isasalang na ito sa public hearing ng committee on constitutional amendments and revision of codes and law sa Enero a 17 batay sa mga panukalang batas ukol sa chacha nina Senators Franklin Drilon, Richard Gordon at Juan Miguel Zubiri.

Inaasahan namang maghahain si Pimentel sa susunod na linggo ng resolusyon para sa pagsasalin ng Konggreso bilang constituent assembly.

Prayoridad din ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) kung saan papalitan ng Bangsamoro Government ang kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Pagtutuunan na rin ng Senado ang panukalang national ID system at ang pagpapalakas pa sa Anti-Terrorism Law o Human Security Act.

Pangako ni Pimentel, magdodoble- kayod muli ang senado para makagawa ng batas na magpapapahusay sa kalidad ng buhay ng taumbayan gaya ng kanilang ginawa nitong nakaraang taon kung kailan umakyat ang approval ratings ng Senado.

Sa SWS survey na inilabas noong Disyembre 28, nakakuha ang Senado ng +56 na net satisfaction rating dahil nasisiyahan daw ang publiko sa performance nito. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?