65
ABANTE Southern Leyte Rep. Roger Mercado chacha congress
Jan 15, 2018 @ 16:03
By

Cha-cha aatupagin na ng mga kongresista – Mercado

Sisimulan nang talakayin bukas ng House committee on constitutional amendments ang mga panukalang pagbabago sa 1987 Constitution.

Ayon sa chairman ng komite na si Southern Leyte Rep. Roger Mercado, iipunin ng komite ang mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon na ginawa ng mga subcommittee.

Nakatakda namang aprubahan ngayong gabi, Lunes, sa plenaryo ang House Concurrent Resolution No. 9 na nagpapatawag ng Constituent Assembly (Con-Ass).

Kaugnay nito’y iginiit ni Mercado na dapat bumoto ng magkasama ang mga senador at kongresista dahil malinaw na ito ang nakasaad sa Konstitusyon.

“The provision under Article 17 is very clear, there is no need for any doubt or any interpretation..the Congress, upon a vote of 3/4 of all its Members, so, both Houses will be convened, and upon a vote of 3/4, all these members, meaning the House of Representatives and the Senate then we can propose amendments to our Constitution,” paliwanag ni Mercado.

Nanawagan si Mercado sa Senado na gawin ang kanilang trabaho.

“Let us go ahead and convene already, the Constituent Assembly and do our work. Because there are really needed provisions that has to be revisited and reviewed. Under the constitution we are allowed to review every 5 years and now we are already 30 years,” sabi ng kongresista. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?