2,004

By

Cesar Montano, inuna ang ‘Hamilton’ bago ang trabaho sa DOT

Sharing is caring!

Ikinadismaya ng mga bisita sa isang aktibidad ng Department of Tourism (DOT) sa New York, USA ang naging aksiyon ni Tourism Promotions Board Chief Operating Officer Cesar Montano makaraang layasan agad sila nito para manood ng musical show.

Naglunsad noong Mayo 9, 2018 ng Philippine Tourism Presentation and Dinner Reception ang DOT para i-showcase ang turismo at fashion ng bansa na ginanap sa Roosevelt Hotel subalit nagsalita lamang umano saglit si Montano at umalis din sa venue dahil manonood umano ng musical show na “Hamilton”.

Si Montano ang ipinakilalang keynote speaker pero siya ang unang umalis na ikinagulat at ikinadismaya ng mga bisita, kabilang na ang ilang opisyal ng US.

Dahil sa mga kinaharap na kontrobersiya ni dating DOT Secretary Wanda Teo noong nakalipas na linggo ay si Montano ang inaasahan sana sa New York na magpo-promote sa Pilipinas sa mga bisita.

Nakasaad sa imbitasyon na sila ni Teo ang host sa Philippine Tourism Dinner and Reception subalit siya lang ang nakarating dahil sa mga kaganapan sa liderato ng DOT.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }