cesar
By

Cesar Montano, hindi na iimbestigahan ng PACC sa P80-M ‘Carinderia Program’

Sharing is caring!

Ipapaubaya na ng Malacañang sa pamunuan ng Department of Tourism (DOT) ang pag-imbestiga kay Tourism Promotions Board Chief Operating Officer Cesar Montano kaugnay sa P80 milyong “Buhay Carinderia Program” nito.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na bahala na si Tourism Secretary Bernadette Puyat na alamin ang puno’t dulo ng programa nito na hindi umano dumaan sa approval ng board.

Hindi na kailangan pang mag-imbestiga ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) dahil umaksiyon kaagad si Puyat matapos mabalitaan ang multi-milyong pisong “Buhay Carinderia Program”.

“Hindi na kailangan ang PACC dahil pinag-aaralan na ni Secretary Puyat mismo ‘yung kontratang pinasok ni Mr. Montano,” ani Roque.

Bukod sa P80 milyong “Buhay Carinderia” ay inirereklamo rin si Montano ng mga empleyado ng Tourism Promotions Board dahil sa pagkuha ng mga kamag-anak at kaibigan bilang sariling staff.

Inireklamo rin ang umano’y paggamit ng opisyal sa pondo ng kanyang tanggapan para sa personal na biyahe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?