316

Dec 4, 2017 @ 8:34
By

Cesar kasado na ang kaso vs. Marlene Aguilar

Apparently, hindi apektado si Marlene Aguilar ng balita tungkol sa plano ni Cesar Montano na demanda laban sa kanya dahil patuloy ang mga personal at below-the-belt na batikos niya sa aktor na Chief Operation Officer ng Tourism Promotions Board.

Pinaimbestigahan na ni Cesar ang puno’t dulo ng mga paninira sa kanya ni Marlene kaya alam na niya ang pinanggagalingan ng matinding galit sa kanya ng nakababatang kapatid ni Freddie Aguilar, ang sponsorship na hinihingi ng kampo ni Marlene mula sa TPB para sa isang cultural project.

Hindi ugali ni Cesar ang magsampa ng kaso laban sa detractors niya pero ang kanyang pamilya at mga nagmamalasakit na kaibigan ang nagsabi na sobra na ang mga ginagawa ni Marlene kaya kumunsulta na siya sa mga abogado.

“The people close to me are already crying foul against all the vicious attacks on my person and character. You know me, I’m not a person who engages anyone on things like this, lalo na hindi naman totoo. I didn’t want to be filing a case against anyone. It’s not my style.

“But this time, I think it is just right because there are people who mistake our silence for toleration of their wrongful behavior against me. I have done nothing wrong. I have nothing to hide,” ang pahayag ni Cesar tungkol sa legal action na pinaplano niya bilang sagot sa mga walang katotohanan na akusasyon ni Aguilar. (Jojo Gabinete)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?