35

Jul 19, 2020 @ 14:56
By

Ces Drilon nagalingan kay Jennylyn

Nagpasalamat si veteran Kapamilya journalist Ces Oreña-Drilon kay Kapuso actress Jennylyn Mercado.

Kahit kasi aniya tirahin ang aktres ng mga troll ay nagsasalita pa rin ito tungkol sa mga tunay na nangyayari sa lipunan.

Sinagot kasi ni Jennylyn ang pagdepensa ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa papataas na bilang ng mga coronavirus case sa bansa.

Sinabi pa ni Roque na ang COVID-19 response ng gobyernong Duterte ay “epektibo” pa rin dahil “only a small number died from the disease.”

Tugon ni Mercado, kung tama lang sana ang mga naging hakbang ng gobyerno, “libo libong Pilipino ang hindi magkakasakit.”

Binanggit niya rin na “Hindi lang sila numero” at dapat magkaroon ng “konting sensitivity” si Roque sa mga pumanaw mula sa COVID-19.

“I applaud you @MercadoJen! You will earn the wrath of trolls and blind followers by tweeting this. And despite this, you are showing others the truth about what is happening to the country,” wika ni Oreña-Drilon sa Twitter. “Salamat.”

Una nang sinabi ni Oreña-Drilon, na kasama siya sa mga nawalan ng trabaho dahil sa retrenchment program ng network simula sa Agosto.

Ayon sa report ng Bilyonaryo, tinatayang 90 percent ng staff ng ABS-CBN ang kailangang pakawalan matapos ibasura ng 70 kongresista ang franchise application ng nasabing network.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?