430

Dec 22, 2017 @ 16:26
By

Ces Drilon ‘goodbye’ na sa Bandila

Marami ang nalungkot sa pamamaalam ni Ces Drilon sa Bandila ng ABS-CBN last Thursday night. At sa kanyang Twitter account, muli ay pormal na nagpaalam ang beteranang broadcaster.

“Paalam Bandila! I’ll be leaving after 11 years to face new responsibilities & challenges in ABS-CBN. Thank you for keeping me company late at night for over a decade. #lastnightonbandila,” sabi ni Ces.

At ayon naman sa ABS-CBN Head of Corporate Communications na si Kane Errol Choa, may bago ngang trabaho si Ces, at sa ABS-CBN pa rin ‘yon magaganap.

“Ces Orena-Drilon takes on new role as lifestyle content head of ABS-CBN, bids Bandila goodbye.”

Sunod-sunod rin ang pagtu-tweet, post ni Ces ng photos niya na unang ginamit sa Bandila noon.

“This was taken in July 2006, for Bandila’s maiden telecast. I will miss invading your screens from Monday to Friday. So long!

“Thank you to my Bandila viewers for 11 years of being together,” sabi pa ni Ces. (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?