30

By

Ceres-Negros FC may football clinic

Iikot sa iba’t ibang lugar ng bansa ang Ceres-Negros FC upang magbigay ng free football clinic sa mga kabataan at para hikayatin ang mga ito na mag-football.

Una nang tumungo ang Ceres football team sa isang Boys Town sa Marikina noong Linggo kung saan mahigit 50 na bata ang lumahok.

Ilan sa mga ito ay naka-tsinelas o nakayapak lamang kaya naman namahagi sina Ceres coaches Frank Muescan, Jing Jambre at Solomon Valerio ng footballs, sapatos at jersey shirts sa mga ito.

Ayon pa kay team manager Miguel Atayde, layunin ng mga ito na turuan ang mga bata na mapalapit sa sport kung saan hindi lamang ito para sa mga mayayaman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?