126
prissa
Apr 25, 2018 @ 18:42

Central Visayas sumisid ng ginto sa PRISAA

Mistulang ginawa ng Central Visayas ang swimming pool veritable goldmine tumabo nang 12 ginto, limang pilak at anim na tanso at kinuha ang dalawang ginto sa men at women team tennis at tuluyan nang lumayo sa medal race at sina Rocky Ramos, Laila Manganaan, Gio de Vera at Sharlemane Harris tinanghal pinakamabilis na mananakbo sa 2018 National PRISAA Games dito sa Tagbilaran, Bohol.

Dinomina ni Ramos ang 100m men (10.06 seconds), nanaig si Manganoon sa women (12.85 seconds), wagi si De Vera sa secondary boys (11.09 seconds), at nanalo si Harris sa secondary girls (12.38 seconds).

Si Harris ang unang taga Bicol nanalo nang century dash sa taonan palaro nilahukan ng mahigit 4,000 galing sa 16 regions sinuportahan ng Philippine Sports Commission chaired by William Ramirez.

Ang panalo ni Harris naganap matapos manalo ang kanyang kababayan sina Dinry Ferch Fulgentes sa 200m butterfly boys senior (2:32.81) at Romeo Renzo Teodoro sa 50m freestyle boys senior (25.61) at ang quartet nina Desiree May Maslang, Hazel Mayhay, Hiyasmin Bazar at Ara de los Santos sa 400m freestyle girls senior relay (5:43.41).

Pinangunahan ni Kent Francen Cagape, at Hazel Cabajar ang mainit na kampanya ng Cebu led CV sa pool at nilunod ang mga kalaban at tuluyan nang lumayo sa medal race sa seniors division 37-19-17 at abot kamay ang pang anim na sunod na korona at nagbanta agawin sa three-peat seeking Western Visayas ang titulo sa youth division kung saan table ang dalawang regions pareho may 33 gold medals.

Nanalo si Cagape tatlong ginto sa 200m freestyle (2:11.95), 200m butterfly (2:26.23) at trinakuhan ang 400m freestyle relay kasama sina Joshua Tubesa, Rudson Nuno Oliva at Joel Tubesa (4:06.71) sa junior division at namayan si Cabajar sa 200m butterfly (2:56.57), 50m freestyle (30.17), at pinamunuan ang 200m medley relay kasama sina Masey Alexine Chi, Apriel Goden at Camile Pecabis (2:23.09) sa girls seniors.

Maliban sa tagumpay sa swimming, kinuha ng CV ang ginto tinalo ang Bicol sa men’s tennis a pinayuko ang Western Visayas sa sa women’s sa parehong scores 2-0.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?