98

Mar 23, 2020 @ 14:29
By

Central Luzon State U gumawa ng nano alcohol

Bilang tugon sa kakulangan ng alcohol at face mask dulot ng pandemic COVID-19, gumawa ang Central Luzon State University (CLSU) sa Nueva Ecija ng local ethanol at hand sanitizer gamit ang nanotechnology.

Nanguna si Dr. Juvy Monserate, pinuno ng CLSU Nanotechnology R&D Facility, sa research team na gumawa ng nano enhanced alcohol at sanitizer na may turmeric extract.

Gumamit din sila ng zinc oxide nanoparticles tulad ng nanomedicine, ang mixture na kumitil din sa H1N1 influenza at SARS viruses na kapamilya ng coronavirus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?