40

Nov 12, 2021 @ 15:41
By

Centino pinangalanang bagong AFP chief

Itinalaga bilang bagong chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Philippine Army commanding general Lt. Gen. Andres Centino.

“We are confident that Gen. Centino will continue the initiatives of his predecessors to bring lasting peace and development in the country while securing the State and upgrading our defense capability,” pahayag ni presidential spokesperson Secretary Harry Roque sa press briefing.

Si Centino ang papalit kay AFP chief Gen. Jose Faustino Jr., na umabot na sa edad na 56, ang mandatory retirement age para sa mga unipormadong opisyal ng bansa.

Naka-iskedyul ang turnover ceremony Biyernes, Nobyembre 12 ng hapon.

Si Centino ay bahagi ng Philippine Military Academy (PMA) “Maringal” Class, kasama si Lt. Gen. Dionard Carlos, na bagong hepe ng Philippine National Police.

Si Centino ang ika-11 na AFP chief na niluklok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng anim na taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?