18

Oct 15, 2020 @ 14:05
By

Cena ‘nagpasakal’ na

Off the market na si John Cena, ikinasala na ang WWE superstar sa nobya nitong si Shay Shariatzadeh.

Taong 2019 nang mabalita ang relasyon ng WWE superstar kay Shariatzadeh.

Maaalalang 2018 naman nang maghiwalay si Cena at si Nikki Bella na noon ay engaged na rin.

Ilang beses rin nahuli ng camera ang dalawa na sweet-sweetan noong nakaraang taon, at agad naman din naman nauwi sa engagement ang kanilang relasyon at ngayon nga ay misis na ni Cena ang Product Manager sa Canada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?