62

Dec 14, 2017 @ 15:41

Celtics winalis ang Nuggets sa shooting showdown

Naitala ng Boston Celtics ang best shooting night nila nitong season matapos kumawala sa Denver Nuggets, 124-118.

Gaya ng inaasahan, nagbalik ang tikas ni Kyrie Irving na may naibaong 33 points at seven assists para sa Celtics.

Nakatapos naman ang kakampi niyang si Jaylen Brown ng 26 na puntos at limang rebounds.

Season-high ng Boston ang naiskor na 124 points at may 60% mula sa field.

Hindi sumuko ang Celtics sa walong pagtatabla at anim na beses na palitan nila ng kalamangan sa iskoring ng Denver.

Sa hanay naman ng Nuggets, bumida si Gary Harris na nagtala ng career-high 36 points at six assists. May iniambag naman na 28 points at 10 assists si Jamal Murray.

Nagkasa ang Nuggets ng 13-2 run para itabla ang iskor sa 85 sa third quarter ngunit nakaresponde naman ang Boston sa fourth sa pamamagitan naman ng 9-0 run para sa 106-94 lead.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?