26

Jan 11, 2021 @ 16:53
By

Celtics vs. Heat postponed muna; Heat lagas na

Break muna sa mga fan ng Celtics at Heat.

Ipagpapaliban muna ng NBA ang laban ng Boston Celtics at Miami Heat dahill kaunting manlalaro na lamang ang natira sa Heat buhat ng mga Covid-19 protocol.

“Because of ongoing contact tracing with the Heat, the team does not have the league-required eight available players to proceed with tonight’s game against the Celtics,” saad ng NBA sa isang pahayag.

Matapos kasi ang contract-tracing na isinagawa, maraming manlalaro ang itinukoy bilang “at risk” at na-expose sa Covid-19 kaya kinailangan ipagpaliban muna ang laro.

Kasalukuyang wala pang anunsyo kung kailan itutuloy ang naturang laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?