36

Celtics tuloy sa pananalasa kahit injured si Irving

Sharing is caring!

Nawala ng dalawang laro si Al Horford dahil sa concussion, pagbalik ay lalo lang bumangis.

Umiskor si Horford ng 21 points sa 8-of-9 shooting para giyahan ang Boston Celtics sa manipis na 95-94 panalo laban sa dumayong Toronto Raptors Linggo ng gabi.

Wala si Kyrie Irving pero itinuloy ng Boston ang pagtuhog ng pang-12 sunod na panalo.

Sa panalo kontra Charlotte noong Biyernes, nasiko ni teammate Aron Baynes ang mukha ni Irving at duguang inilabas ng laro. Wala namang pamamaga o concussion si Irving, pero sinukatan na ng face mask dahil may minor ­facial fracture.

Nagdagdag si Jaylen Brown ng 18 points sa Celtics, may 16 markers si Terry Rozier off the bench.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?