49

Dec 1, 2017 @ 14:05

Celtics rumesbak sa 76ers

Rumesbak mula sa mapait na magkasunod na talo ang Boston Celtics laban sa Philadelphia 76ers, 108-97, sa TD Garden arena.

Umiskor ng 36 points ang Boston’s masked man na si Kyrie Irving upang ipalasap ang paghihiganti sa 76ers.

Nakakasa pa ng late rally sa 3rd quarter ang Joel Embiid-less na 76ers sa pahinga ni Irving, 3:37 ang nalalabi sa quarter ngunit nasawata ito matapos ang tatlong magkasunod na puntos ni Aron Baynes bago ibinalik ang masked man sa 4th quarter.

Kumana ng 12-of-21 sa shooting si Irving habang may ambag na 17 na puntos si Marcus Morris para sa Boston.

Mala-tangke ang nilaro ng Celtics kung ikukumpara sa 76ers matapos mapahinga ng dalawang araw habang ang Philadelphia ay kagagaling lamang sa dalawang magkasunod na laro bago hinarap ang Boston.

Hindi naging sapat ang naitalang double figures ng anim na players ng Sixers na pinangunahan ni Dario Saric na may 18 na puntos dahil kinapos pa rin sa Celtics.

Tingin ni Sixers coach Brett Brown, ang Boston ngayon ay maihahanay na isa sa malalakas na team sa NBA.

Samantala, tuloy naman ang mga laban ng Celtics sa kanilang hometown at susubuking dagitin ang sunod nilang makakalaban na Phoenix Suns sa Sabado

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?