19
al

Celtics, naitakbo ang Game 1 kontra 76ers

Sharing is caring!

Nadukot ng Boston Celtics ang unang panalo kontra 76ers sa Game 1 ng kanilang conference semifinals, 117-101.

Miserable ang 3-pointer ng Philadelphia na may 19.2 percent lang na naitala habang may 47.2 percent naman ang Celtics.

Napanatili naman ni Al Horford ang malakas niyang performance sa first round sa pagtipa ng 26 points para sa Boston.

Malaki rin ang naging kontribusyon nina Terry Rozier at Jayson Tatum, na may 29 at 28 points, ayon sa pagkakasunod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?