15

Feb 5, 2018 @ 15:06

Celtics lusot sa Blazers sa buzzer beater ni Horford

Nagmadaling tumira si Al Horford ng fadeaway jumper kasabay ng pagtunog ng buzzer para itakas ng Boston Celtics ang 97-96 NBA win laban sa Portland Trail Blazers.

“It’s a shot I work on a lot and it felt good when it left my hands,” sabi ni Horford sa kanilang panalo.

Tumira sina Horford, Semi Ojeleye at Jayson Tatum ng magkakasunod na tres sa huling bahagi ng fourth quarter para kunin ng Celtcis ang kalamangan sa Portland 85-79.

Si Jaylen Brown sana ang huling tira subalit na matakpan ito, si Horford ang tumanggap na bola na agad naman niyang itinira sa pamamagitan ng fadeaway jumper.

Nagtapos si Horford 22 puntos at 10 rebounds para sa Boston na may apat na sunod na panalo. May 17 si Tatum at 16 naman si Brown.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?