47

Mar 9, 2018 @ 19:36
By

Celtics forward Brown lumagapak tapos dumakdak

Natahimik ang sellout crowd sa Target Center nang bumagsak si Boston forward Jaylen Brown matapos dumakdak sa 117-109 win ng Celtics laban sa dumayong Minnesota Huwebes ng gabi.

Literal na bumalentong si Brown, unang sumayad sa floor ang likod niya bandang leeg, nasa taas ang mga paa.

Rumagasa siya sa basket at lumipad para tapusin ang fastbreak sa dunk. Kita sa replays na nagtangka siyang maglambitin sa rim, pero parang dumausdos ang mga daliri at hindi nakayanan ang bigat ng katawan kaya sumirko pabagsak.

Ang players ng magkabilang team, natigilan. Natahimik ang arena.

Ilang sandali ring nanatiling nakahiga si Brown, maya-maya ay tumayong mag-isa at naglakad nang hindi inaalalayan papasok ng locker room.

Agad daw siyang isinailalim sa CT scan, ayon kay Boston coach Brad Stevens.

“He felt pretty good leaving the arena,” paniniguro ni Stevens.

Tayuan ang fans at nagpalakpakan habang palabas siya ng court. Itinaas naman ni Brown, No. 3 pick overall sa 2016 draft, ang kaliwang kamay bilang pagtanggap sa cheers ng kanilang home crowd.

“You never want to see a player go down like that,” nag-aalalang pahayag ni Timberwolves center Karl-Anthony Towns. “It’s a brotherhood.”

Nakapag-tweet na si Brown (@FCHWPO) pagkatapos ng laro: “Appreciate everybody I’m ok .. Got a headache tho.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?