56
jaylen

Celtics angat na ng 2-0 kontra Cavs

Sharing is caring!

May kabuuang 23 points at 7 rebounds si Jaylen Brown para tulungan ang Boston Celtics na umabante, 2-0, laban sa Cavaliers sa best-of-seven Eastern Conference finals.

Sa pamamagitan ng 107-94 panalo, naipagpag muli ng Boston ang bumisitang Cavs sa laro nitong Martes (Miyerkoles sa Pinas) sa TD Garden.

Nagtulong din sina Terry Rozier (18 points), Al Horford (15) at Marcus Morris (12 points).

Nadakma na ng Celtis ang Game 1, 108-83, noong Linggo at ngayon nga ay panalo na naman sila.

Samantala, nangalabaw na naman si LeBron James sa nairekord na 42 points, 12 assists at 10 rebounds pero hindi pa rin sapat para kunin ang panalo sa Game 2.

Dadayo naman ng Cleveland ang Game 3 sa Sabado (Linggo sa Pinas).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?