celtics-philadelphia

Celtics 3-0 na matapos ang OT win vs 76ers

Sharing is caring!

Isa panalo na lang kailangan ng Boston Celtics para umusad sa Eastern Conference finals matapos makuha ang 101-98 victory laban sa Philadephia 76ers kanina.

Nagkaroon ng maagang selebrasyon sa home court ng Philadephia nang bumagsak ang confetti matapos mai-shoot ni Marco Belinelli ang buzzer-beater at ihatid sa overtime ang laban.

Maaring umusad sa Eastern Conference finals ang Celtics sa ikalawang sunod na taon kung maipapanalo nila ang susunod na laban sa Lunes (Martes sa Pilipinas).

Mula sa 87 all, naharang ni Terry Rozier ang pasa ni JJ Redick at ibinigay kay Jaylen Brown para sa isang layup at dalawang puntos na kalamangan, 89-87.

Subalit ilang segundo ang nakalipas, kumana naman ng 22-footer si Belinelli para maitabla ang iskor, 89 all at maihatid sa OT ang laban.

Kasabay ng pagtunog ng buzzer ang pagbagsak ng confetti sa loob ng court.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?