81

By

Cellphone pinatubos sa Italyano, bading kalaboso

Sharing is caring!

Rehas na bakal ang hinihimas ngayon ng isang bakla matapos itong bumagsak sa entrapment operation ng Makati City Police base sa reklamo ng isang turistang Italyano.

Ayon kay Southern Police District Director Tomas Apolinario Jr., isang Giacomo Pirrone, 60, ang nagtungo sa Criminal Investigation Division ng Makati City Police at sinabi na may tumangay ng kanyang Samsung 8+ cellphone.

Ikinuwento ni Pirrone na ala-1:30 Biyernes ng hapon nang mangyari ang insidente sa loob ng Burgos Entertainment City sa Barangay Poblacion.

Aniya, tinabihan at siniksik siya ng tatlong katao at nakuha ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng kanyang pantalon.

Dakong alas-sais kagabi, sinabi ni Pirrone sa mga pulis na pinagsabihan siya ng mga suspek na kailangan niyang tubusin ang kanyang cellphone at dito na nagplano ng entrapment operation.

Sa operasyon ay inaresto si Jose Ram, 24, ng San Andres Bukid, Maynila, nang tanggapin nito ang pera mula kay Pirrone sa J.P. Rizal Street sa Barangay Tejeros alas-7:30 ng gabi. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?