43

Oct 6, 2021 @ 19:17
By

Cellphone number sa ‘Squid Game’ buburahin

Ie-edit ang eksena sa “Squid Game” kung saan na-expose ang totoong cellphone number sa invitation card na ibinibigay sa mga inaakit na player.

Ipinangako ito ng Netflix at local production company na Siren Pictures matapos dagsain ng libo-libong prank call at text message ang babaeng South Korean na may-ari ng naturang cellphone number.

Kinilala siyang si Kim Gil-young, isang negosyante sa Seongju.

Kabilang umano sa natanggap na mensahe ni Gil-young ang kahilingan na makasali sa “Squid Game”.

Inakala raw ng production team ng pelikula na kapag binura nila ang unang tatlong numero ng cellphone number o area code ay walang makakatawag sa natirang eight digit phone number.

Iyon pala kapag tinawagan ito ay awtomatikong makokonekta sa mga taong nakatira sa parehong lugar kahit wala ang area code.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?