40

Jan 27, 2021 @ 22:20
By

Cellphone number puwede na gamitin forever

Maaari nang magamit habambuhay ng subscriber ang kanyang cellphone number kahit pa magpalipat-lipat ito ng network provider.

Sa Senate hearing nitong Miyerkoles, sinabi ng National Telecommunications Commission (NTC) na ganap nang ipatutupad ang “Mobile Portability Act” sa September 30, 2021.

Ayon kay NTC Deputy Commissioner Edgardo Cabarios, nakatakda sana ang pagsisimula nito sa unang quarter ng taon pero na-delay dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa ilalim ng Republic Act 11202 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong February 2019, kinakailangan ng mobile phone user na magsumite ng porting application kung gustong magpalit ng network provider at gamitin pa rin ang kasalukuyan nilang cellphone number.

Walang babayaran ang mga subscriber na gustong panatilihin ang kanilang cellphone number.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?