81

Feb 20, 2018 @ 12:56
By

Cellphone number magiging for life na – Gatchalian

Sa boto ng 20 senador, walang tutol, inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas kung saan layong payagan ang cellphone subscribers na maangkin ang kaniyang cellphone number habampanahon.

Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate committee on economic affairs at nag-akda ng Senate Bill 1636 o panukalang Lifetime Cellphone Number Act, uutusan ang mga cellphone company o service providers na bigyan ang kanilang subscriber ng mobile number portability (MNP).

Sa ilalim nito, pwedeng patuloy na gamitin ng subscriber ang cellphone number kahit lumipat siya ng service provider o telco.

Puwede na rin niyang gamitin ang numero kung magbabago ng subscription plan o kung mula prepaid ay kukuha ng postpaid line o kayay kung postpaid ay lilipat sa prepaid.

“The bill would give consumers them the freedom to choose the provider that would give the best value for their money without having to lose or change their mobile numbers,” ayon kay Gatchalian.

Kapag naging batas, ang telco na tatangging ibigay ang katulad na numero sa subscriber ay maaring pagmultahin ng isang milyong piso at maari ring tanggalan ng prangkisa.

Nakapaloob na sa panukala ang probisyon na ideya ni Senador Ping Lacson kung saan pagbabawalan ang cellphone companies na magpataw ng inter-connection fees sa tawag at text messages.

Sa ngayon, P2.50 ang interconnection fees para sa tawag at P0.15 para sa SMS.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?