43

Nov 8, 2020 @ 19:45
By

Cellphone ni DOLE Sec. Bello hinablot ng 2 snatcher

Isang government official ang napuntirya ng dalawang snatcher nitong weekend.

Ayon sa report ng Ermita Police Station, dalawang suspek ang hinuli dahil sa pagnakaw ng cellphone ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ang dalawang hinihinalang snatcher ay kinilalang sina Clarence Arevalo at John Paul Sunga,

Nadakip ang dalawa sa isang follow-up operation sa Elisondo Street sa Quiapo, Manila nitong Linggo.

Ang pandurukot ay naganap noong Biyernes sa bandang Mehan Garden at Manila City Hall.

Wala pang detalye kung nabalik ang cellphone ng kalihim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?