131

Nov 9, 2020 @ 10:04
By

Cellphone ni Bello hinablot, 4 kabataan timbog

Arestado ang apat na menor de edad na ninakaw umano ang cellphone ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Napaulat na na-snatch ang mobile phone ng kalihim sa Manila City Hall at Mehan Garden, Nobyembre 6.

Ang apat na kabataang suspek, edad 15 hanggang 18, ay nahuli sa Quiapo ng Manila Police District. Tatlo sa mga ito ang menor de edad.

Binenta umano ng mga suspek ang phone sa halagang P30,000, katuwang ang isang babae na hindi raw alam na nakaw ang phone.

Sabi ng mga kabataan, nang-snatch sila dahil sa pangangailangan at dahil sa peer pressure.

Samantala, ayon pa sa GMA News, pinosasan din si Omar Sidic, ang lalaki na nakabili ng cellphone ni Bello. Nasa buy-and-sell si Sidic at pinagbenta ang phone sa presyong P34,000.

Mahaharap siya sa kasong paglabag sa anti-fencing law.

Binalik ni Sidic ang pera ng buyer para marekober ang mobile phone ng kalihim.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya ang mga kabataan. Kakasuhan ang mga ito ng robbery at snatching.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?