24

Oct 20, 2021 @ 14:51
By

Cellphone ng bagets sumabog sa gitna ng online class

Isang 11-anyos na estudyante sa Vietnam ang patay matapos sumabog ang kanyang cellphone na ginagamit habang naka-charge dahil nasa gitna ng online class.

Ayon sa ulat ng The Sun, itinago na lamang ang pangalan ng bata sa NVQ.

Nasa gitna umano ng online class ang bata at naka-charge ang kanyang cellphone nang bigla itong sumabog.

Sa pagsabog umano ng gadget ay nagliyab ang damit ni NVQ na nagpalala ng sitwasyon.

Tinangka pa siyang isalba ng mga kapitbahay ngunit namatay na rin kalaunan.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng pagsabog ng cellphone. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?