By

Cellphone ng 2 bagets, dinugas ng ka-eyeball

Sharing is caring!

Dinakip ng mga nagpapatrulyang elemento ng Manila Police District-Police Station 7, ang lalaking ka ‘eyeball’ ng dalawang bagets na dumugas sa kanilang cellphone noong Sabado ng gabi sa Tondo,Maynila.

Nasa kustodiya ng MPD-PS 7 at nahaharap sa kasong theft ang suspek na si Ronnie Gatburton,36, taga 430 Boneros St. Binondo, Maynila matapos ireklamo ng mga biktimang sina Onin Bernardo,19; taga 753 Int.26 Raxabago St. Tondo,Maynila; at Jessie,16..

Ayon sa reklamo ng mga biktima kay Senior Insp. Ness Vargas, nakipag-eye ball umano sila sa suspek na kaibigan nila sa Facebook.

Nagkasundo ang tatlo na mag ‘meet-up” sa Puregold sa may Tondo,Maynila at pagdating sa lugar inaya umano ng suspek ang dalawa na kumain sa fastfood sa loob ng Puregold.

Habang kumakain nagpaalam ang mga biktima sa suspek na pupunta lamang sandali sa comfort room para umihi at iniwan ang kanilang bag.

Subalit pagbalik nila wala na ang suspek at napansin nilang bukas ang bag ni Jessie at nawawala rin parehas ang kanilang mga cellphone.

Nakita ng mga biktima ang mga pulis na nagpapatrulya kaya kaagad humingi ng tulong.

Sa follow-up operation, naaresto ang suspek at nabawi din ang ninakaw na cellphone ng dalawa. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?