16

Sep 16, 2021 @ 11:49
By

Cellphone na pang-online classes hinablot sa Makati

Cellphone na naging bato pa!

Ito ngayon ang reklamo ng isang tinedyer matapos mahablot ang cellphone na sanang gagamitin niya para sa online classes.

Kuwento ng ina ng biktima, naglalakad ang kanyang anak sa barangay Guadalupe Nuevo nang isang rider ang nagtanong ng direksyon sa bata.

“Noong una, nagtanong sa kanya tapos po, saan daw po papuntang BGC. Tapos sumagot ‘yung anak ko, na itinuro pa ang way papunta sa kabila,” kuwento niya sa isang panayam.

Nang makaalis na ang bata ay tiniktikan ito ng rider at doon na inagaw ang telepono.

Sinubukan pa umanong habulin ng biktima ang naagaw na cellphone ngunit mabilis umanong nakatakas ang salarin.

Anang ermat ng bata, lubos na na-trauma ang kanyang anak sa insidente dahilan para magkulong ito ng ilang araw sa kanilang bahay.

“Na-trauma po siya. Hindi po nakalabas ng bahay tatlong araw. Tapos napapaniginipan niya po,” sambit niya. (VA)
*https://www.youtube.com/watch?v=z5PpbLOeChw

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?