123

Oct 19, 2020 @ 10:09
By

Celine Pialago dilawan – Ogie Diaz

May “resibo” si comedian Ogie Diaz ng pagiging “dilawan” ni MMDA Assistant Secretary Celine Pialago.

Sa Twitter, makikita ang 2016 Facebook posts ni Pialago na sumusuporta kay noo’y presidentiable Mar Roxas at noo’y vice presidentiable Leni Robredo ng Liberal Party.

Meron pang naka-“Laban” sign si Pialago.

“Ikaw pala, MMDA Spokesperson Celine Pialago ang Dilawan, eh. Eto ang resibo, teh, o!,” sambit ni Diaz.

Napaulat na 2015 nagsimulang magtrabaho para sa LP si Pialago, bilang PR head ni noo’y Makati City OIC Mayor Kid Peña. Tapos pinatulong siya sa presidential campaign ni Roxas.

Sabi ni Pialago sa isang panayam, nang mag-apply kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao, hindi niya tinitingnan ang sarili bilang “dilawan” kasi “my loyalty is not with the person, it’s with my country.”

Sunud-sunod ang banat ni Ogie laban kay Pialago, matapos awayin ng huli ang mga sumisimpatya kay political detainee Reina Mae Nasino, na nakaposas at napalilibutan ng mga jail officer sa mga huling sandali nito kapiling ang yumaong anak na si River.

“‘Yung mga sumisimpatya kay Reina Mae Nasino, pag-aralan niyo mabuti ang dahilan bakit siya nakulong at kilalanin niyong mabuti kung sino siya sa lipunan. Masyado ninyong ginagawang pang drama serye sa hapon ang paghihinagpis niya. Tigilan niyo!,” sambit pa ni Pialago.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?