76

Jun 10, 2021 @ 13:22
By

Celine Dion hanga sa biriterong Pinoy

Napapalakpak ang kilalang singer na si Celine Dion sa naging performance ng isang 10-anyos na Pinoy sa ‘America’s Got Talent’.

Inawit ni Peter Rosalita ang ‘All By Myself’ ni Celine, kung saan napatayo ang mga judge na sina Simon Cowell, Heidi Klum, Sofia Vergara at Howie Mandel.

Umabot din kay Celine ang naturang version ni Peter ng kanyang kanta.


Pasok si Peter sa next round ng 16th season ng AGT matapos makakuha ng apat na yes mula sa mga hurado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: