17
ABANTE celine dion manila moa pasay

Celine Dion dadating sa Manila!

Sharing is caring!

Magkakaroon ng isang gabing show si Celine Dion sa Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay sa Hulyo 19, na bahagi ng Asia leg ng “LIVE 2018 Tour” niya.

Kilala ang magaling na mang-aawit sa mga awiting “Power of Love” at “My Heart Will Go On” at may pinakamalamig na boses sa music history.

May limang Grammy Awards ang Canadian artist, dalawang Oscars at pitong American Music Awards.

Binigyan din ito ng Icon Award sa 2016 Billboard Music Awards.

Ito ang unang pagkakataon na aapak ng Maynila si Celine.

Unang kinansela ang dapat sana’y show nito sa MOA Arena noong Nobyembre 2014 dahil sa kinailangan niyang alagaan ang may cancer na mister niyang si Rene Angelil.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?