17

Nov 21, 2021 @ 23:45
By

Celestino pang-22 sa Poland skating

Tumapos na pang-22 puwesto si Edrian Celestino sa 2021 CS Warsaw Cup sa Poland upang sumulong sa 2021-22 International Skating Union (ISU) Challenger Series nitong Sabado.

Lumikom ng 177.08 points sa men’s division ang 23-year-old Pinoy figure skater sa likod ng 110.50 sa free skate at 66.58 sa short program. Bagong personal best 66.58 niya na tumaklob sa 65.11 sa short program.

Namayagpag sa torneo si Japanese Sota Yamamoto na kumayod ng 247.65 pts., kasunod si Daniel Grassl ng Italy na naka-242.96 habang pumangatlo si Petr Gumennik ng Russia sa 242.91.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?