12

Sep 23, 2021 @ 23:54

Celestino pang-16 lang sa Nebelhorn

Lumapag sa pang-16 na puwesto sa 30 naglaban si figure skater Edrian Celestino sa men’s short program segment ng 2021 Nebelhorn Trophy sa Oberstdorf, Germany Huwebes ng gabi (Manila time).

Huling qualifying event para sa 2022 Beijing Winter Games, nakapagtala ng 64.32 ang Philippine bet.

Nanguna si Vincent Zhou ng Amerika sa markang 97.35, sumunod si Adam Siao Him Fa ng France na may 89.23 points at pangatlo si Australian Brendan Kerry sa 85.89.

Sunod na sasabakan ni Celestino, 21, ang men’s free skating event Biyernes ng gabi (Manila time) sa pagnanasang makasungkit ng Winter Games ticket.

Lalagare naman sa women’s short program at free skating si Fil-Am Sofia Frank na puntirya ring mag-qualify sa quadrennial sports conclave.

Pitong skater lang sa men’s division at anim sa women’s ng torneo ang mga makakapasok sa 2022 Beijing Games. (Janiel Abby Toralba)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?